^

Bansa

Ex-DOT sec., 5 pa kulong ng 10-taon sa graft

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatawan ng 10-taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan si dating Tourism secretary Joseph Felix Mari “Ace” Durano at limang iba pang dating opisyal ng Department of Tourism dahil sa kasong graft bunsod ng umano’y maanomalyang P2.7 million wall calendar project noong 2008.

Sa 57-pahinang desisyon na inilabas noong Nob­yembre 26, hinatulang “guilty beyond reasonable doubt” ng Sandiganbayan Seventh Division si Durano dahil sa paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kasama rin sa mga hinatulan sina dating DOT undersecretary at Bids and Award Committee (BAC) chairman Oscar Palabyab at mga dating miyembro ng BAC na sina Grace Yoro, Eduardo Jarque Jr., Evelyn Cajigal at Adriana Flor.

Sila ay sinentensiyahan ng anim hanggang 10 taon ng pagkakulong na may kasamang parusa ng perpetual disqualification mula sa paghawak ng anumang public office.

Nag-ugat ang hatol sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman noong 2019 matapos na igawad umano ng mga naturang opisyal ang P2.7-milyong kontrata sa PDP Digital Inc. para sa “conceptualization at development” ng back-to-back wall calendar na may kaugnayan sa kampanya ng DOT sa pagtataguyod ng turismo, nang hindi dumaraan sa public bidding, na nakasaad sa RA 9184 o The Government Procurement Reform Act.

Sinabi ng Ombudsman na hindi rin nagsagawa ang BAC ng isang survey sa industriya upang matukoy ang pinaka-karapat-dapat na kontratista para sa proyekto at upang bigyang-katwiran ang hindi pagdaraos ng public bidding.

 

vuukle comment

PRISON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with