^

Bansa

Int'l travels 'handa higpitan' vs bagong mutated COVID variant mula South Africa

James Relativo - Philstar.com
Int'l travels 'handa higpitan' vs bagong mutated COVID variant mula South Africa
An international airline ground staff wearing protective gear works at the airport in Manila on August 4, 2020. More than 27 million people -- a quarter of the Philippine population -- were give 24-hours notice of the new restrictions that have shuttered many businesses, halted public transport and grounded flights in the capital and four surrounding provinces as the government battles to rein in the virus.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kaaanunsyo lang na pagluluwag ng COVID-19 travel restrictions pagdating sa mga "Green List" countries, handa naman ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at Bureau of Immigrations (BI) na higpitan ito uli kung lalo pang tumindi ang banta ng panibagong variant ng nakamamatay na virus.

Nakapag-detect kasi ang South Africa ng panibagong COVID-19 variant (B.1.1.529), na nakitaan ng 10 mutation — higit na mas marami sa mutations na makikita sa mas nakahahawang Delta at Beta variant ng sakit.

"Sa part naman po ng Bureau of Immigration, nakahanda po kami na mag-implement kung sakali pong makita ng IATF that there is a need to adjust 'yung ating mga travel restrictions kung sakali pong may mga umusbong na mga bagong variants," ani Immigration spokesperson Dana Sandoval, Biyernes.

"Immediately po 'yan, meron po kaming system in place kapag may directive po ang IATF, immediately kaya naman po naming i-implement and we have the sufficient manpower naman po para tugunan po itong mga pangangailangan na ito."

Dati nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas laban sa mga bansang nakitaan noon ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19.

Natataon ang naturang pahayag kahit na magluluwag pa lalo ang Pilipinas sa mga dayuhan kahit sa mga turista. Hindi na kasi oobligahing mag-quarantine ang mga nabanggit basta't sila'y: (1) fully-vaccinated, (2) nanggaling sa "Green List" country at (3) makakapagpakita ng negatibong RT-PCR test na isinagawa 72 oras bago bumiyahe.

Una nang naibalitang na-detect ang B.1.1.529 variant sa Hong Kong, na bahagi rin ng 159 bansa at teritoryong hindi hihingian ng visa para bumisita sa Pilipinas. 

Ang bagong polisiya ng pagluluwag ay ipatutupad mula ika-1 hanggang ika-2 ng Disyembre.

"Doon naman po sa ating immigration areas, of course sa pagbubukas po ng ating shores dito po sa foreign travelers, there's always a risk, kasi dadami po 'yung mga babiyahe," dagdag pa ni Sandoval.

"But we have implemented strict protocols and social distancing po doon sa ating areas para po masiguro po natin na minimized po 'yung risk habang sila po ay dumadaan doon sa immigration areas."

IATF nakikipag-ugnayan sa WHO

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, handa rin naman daw ang IATF at Malacañang na agad-agarang gumawa ng aksyon kung saka-sakali.

Sa ngayon kasi, inaabangan pa raw nila kung idedeklara ito ng World Health Organization bilang variant of interest o variant of concern — ang huli ay iniuugnay sa mga mas nakahahawa at delikadong COVID-19 variants.

"On the IATF side and Malacanang side, of course the [Department of Health] is aware, the IATF is also aware. We are... intently monitoring itong situation na ito," sambit ni Nograles kanina.

"We are in constant communication with WHO and monitoring developments on their front, especially awaiting their advisories kung ito bang variant na ito is considered a variant of interest or a variant of concern."

Tuluy-tuloy lang naman din daw ang isinasagawang genomic surveillance ng DOH at Philippine Genome Center para maamoy ang posibleng pagpasok ng naturang variant sa Pilipinas.

Agad-agad din naman ay kayang irebisa ng IATF ang Alert Level systems sa Pilipinas kung saka-sakaling makapapasok ng kinatatakutang viral variant.

"'Yung ating Alert Level systems, susundin natin 'yung parameters. Gaya ng na-announce ko na sa latest IATF resolution po natin, kapag kailangang i-escalate, i-escalate agad. 'Yung de-escalation, gagawin natin every 15 and end of the month," sabi pa ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"'Yung ating pag-monitor din kung anong alert level system ang bawat area, we do it weekly. But in terms of escalation, kung kinakailangang ASAP, ASAP agad 'yan."

Sa huling ulat ng DOH nitong Huwebes, umabot na sa 2.82 milyon ang nahahawaan ng COVID-19. Sa kasawiang palad, namatay na sa virus ang 47,875 katao.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

KARLO NOGRALES

NOVEL CORONAVIRUS

TRAVEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with