^

Bansa

Bong Go sa Ayungin Shoal incident: ‘Ang sa Pilipinas ay para sa Pilipinas’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Senator at presidential aspirant Christopher Lawrence “Bong” Go sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa interes ng Pilipinas kasunod ng nangyaring insidente na kinasangkutan ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal.

“Ang sa Pilipinas ay para sa Pilipinas,” sabi ni Senator Go na nagsabi pang ang Ayungin Shoal ay integral part ng bansa.

“Ipaglalaban natin ang ating karapatan sa bawat parte ng ating bayan sa tama at mapayapang paraan.”

“I urge our government to continue asserting our national interest in light of the recent incident in Ayungin Shoal, an integral part of the Philippines,” ayon kay Go.

Nauna nang nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng matinding pagkadismaya at pagkabahala sa insidente sa Ayungin Shoal sa ASEAN-China Special Summit kasabay ng paggunita sa 30th Anniversary of Dialogue Relations.

Sa video conference, nanawagan ang Pangulo sa bawat isa na i-exercise ang pagtitimpi at iwasang lumala ang namumuong tensyon.

Kagaya ng Pangulo, ipinunto ni Go na ang insidente sa Ayungin Shoal ay isang welcome opportunity sa lahat ng stakeholders, na tinawag  niyang “responsible members of the international community,” na sumunod sa kanilang pangako at responsibilidad sa ilalim ng international law.

Sinabi ni Go na pagkakataon ito na maipamalas ng lahat ng bansa sa rehiyon na ayusin nang maayos ang anumang gusot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with