^

Bansa

Pacquiao magtatalaga ng pastor sa Gabinete kung mananalong president

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sakaling palarin sa darating na halalan, pabor si presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao na magtalaga ng pastor at mga maka Diyos sa kanyang gabinete.

Nilinaw naman ni Pacquiao na bagama’t nais niyang maglagay ng pastor o taong maka Diyos sa kanyang gabinete ay iaayon pa rin niya ito sa kanilang kakayahan na mamuno o humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Ito ang sinabi niya sa pagharap sa nasa 400 pastor sa Guiguinto, Bulacan kamakalawa kung saan nangako siya ng isang gabineteng maka-Diyos sakaling manalo.

“Hindi rin naman tayo basta-basta mag-appoint  as long as they are godly. Nararapat lamang sa posisyon niya . Halimbawa, boxing ang labanan, hindi mo pwedeng ilagay d’yan ’yung swimmer Kumbaga, kung ano ang fit sa trabaho niya at kaya niyang gampanan, du’n natin siya ilagay dahil d’yan. Marami siyang magagawa,” ayon pa kay Pacquiao.

Sa nasabing pagtitipon, tila pinasaringan naman ng Senador ang kalaban sa pagka-pangulo na si dating Senador Bongbong Marcos kaugnay sa pangako na ibabalik ang mga gold sa mamamayan kapag nanalo.

Bagama’t hindi  pinangalanan, sinabi niya na ang pag-amin na ibabalik ang mga ginto sa mga mamamayan ay ibig sabihin lang na mayroon din ninakaw kaya bakit umano boboto ng isang korap.

Bukod kay Marcos Jr., binanatan din niya ang iba pang mga magnanakaw sa gobyerno na todo kapit sa posisyon.

Si Pacquiao ay tumatakbong pangulo kung saan ka-tandem niya si Buhay Rep. Lito Atienza.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with