^

Bansa

9.6 milyong kabataan target mabakunahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
9.6 milyong kabataan target mabakunahan
The COVID-19 vaccination drive for children aged 12 years old to 17 years old starts at the Marikina Sports Complex Mega Vaccination Site Children with comorbidity was the priority to received the jabs (October 22, 2021).
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaasinta ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 9.6 milyong kabataan na kabilang sa 12-17 age group bago matapos ang taon.

Kaugnay ito ng anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-uumpisa na ang vaccination sa naturang age group kahit walang comorbidities sa Metro Manila sa Nobyembre 3 at sa buong bansa sa Nobyembre 5.

Sinabi pa ng opisyal na ang 9.6 milyon ay katumbas ng 80 porsyento ng 12 milyong kabataan na kabilang sa naturang age group sa buong bansa.

Layunin ng pagpapalawak ng pediatric vaccination na mahikayat pa ang ibang miyembro ng pamilya na magpabakuna na rin at makabalik na ang mga bata sa ‘face-to-face classes’.

“We are hoping that with children’s vaccination ay i-increase ang pagbabakuna ng ating mga lolo, mga lola, mga A2 (senior citizen). Initially may feeling na ‘Wag na kami mga anak na lang namin,’” ani Cabotaje.

“Now that the children are okay, baka maengganyo rin ang buong pamilya magpabakuna,” dagdag pa niya.

Maaari na rin naman aniyang magsimula sa pagbabakuna ng mga kabataan ang mga lugar na handa na para dito kasabay ng mga siyudad sa Metro Manila.

vuukle comment

COVID-19 VACCINES

MINORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with