^

Bansa

Kandidato nagbigay-daan kay Kiko para sa VP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay-daan ang isang kandidato sa pagka-bise presidente kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan, na napili bilang pambato ng oposisyon bilang bise presidente ka­tambal si Vice President Leni Robredo sa darating na halalan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atty. Alex Lacson, ang nominee ng Kapatiran Party bilang kandidato para pangalawang pangulo, na hindi na siya tatakbo bilang bise presidente.

Aniya, tinanggap niya ang nominasyon ng Kapatiran Party dalawang linggo na ang nakalipas dahil nakita niya na kailangan ng taumbayan ang tunay na kandidato ng oposisyon bilang bise presidente.

Ngunit sa pagtakbo ni Pangilinan bilang bise presidente ni Robredo, nagpasya si Lacson na iatras ang kanyang kandidatura para sa nasabing posisyon.

Ayon kay Lacson, si Pangilinan ay totoong kandidato ng oposisyon na magsisilbi sa taumbayan.

Nagdesisyon din si Lacson na umatras para hindi na mahati ang boto ng oposisyon. Aniya, buo rin ang kanyang suporta sa tambalang Leni-Kiko.

Kasunod nito, nagpasya si Lacson na tumakbo bilang senador sa ilalim ng Kapatiran Party.

vuukle comment

KIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with