^

Bansa

PPEs ng DOH ‘di agad natanggap ng nurses

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinontra ng Filipino Nurses United (FNU) ang ipinagmamalaki ng Depart­ment of Health (DOH) na agarang pamimigay umano ng ‘personal protective equipment (PPEs)’ na hindi naman umano agad natanggap ng mga nurses sa pag-uumpisa ng pan­demya sa Pilipinas.

“Nung panahon po na iprinocure nila ‘yang mga items na ‘yan, ‘yang mga PPE, ‘yan po ‘yung panahon na wala namang magamit talaga sa ospital at ang mga nag-donate ay mga private entities. Kadalasan po galing sa pri­vate donations ‘yung ginamit naming PPE,” ayon kay FNU offical Jaymmee de Guzman.

Nagtataka umano sila sa ipinapakita ngayon ng DOH na daan libong PPEs ang binili na hindi naman umano nila nagamit.

“Kahit umpisa palang po, sumisigaw na kami noon na andami pala, daang libong ‘yung sinasabi niyong binili niyo, bakit ‘di natatanggap sa ospital?” giit ni De Guzman.

Inireklamo rin ni De Guzman ang pangit na kalidad ng mga PPEs buhat sa DOH nang matanggap na nila ito ngunit sobrang limitado pa rin.

Inalmahan rin niya ang pag-angkin ng DOH sa mga ibinibigay na PPEs sa mga ospital na iginiit niya na pera ng taumbayan at hindi ng gobyerno.

 

vuukle comment

PPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with