^

Bansa

Maayos na ‘health access’ sa mga liblib, tinutupad ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na pinangu­nahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-135 at ika-36 Malasakit Center sa Basilan General Hospital (BGH) sa Isabela City, Basilan at sa Labuan General Hospital sa Zamboanga City, ayon sa pagkakasunod, patunay na tinutupad ng senador ang pangako ng Duterte administration na dadalhin ang maayos na access, dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na komunidad sa bansa.

Ang binuksang Malasakit Center ang kauna-unahan sa lalawigan ng Basilan at ikapito sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Namahagi dito ang senador ng ayuda sa local market vendors at transport workers.

Sa kanyang pagsasalita sa Basilan, binati ng senador ang mga opisyal at staff ng BGH sa inagurasyon ng bago nitong gusali. Pinuri niya ang dedikasyon ng mga nasa frontline habang nilalabanan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Ipinunto ni Go na sinisikap ng mga pampublikong ospital na gamutin ang mga low-income patients kaya umaasa siya na ang mga bagong Malasakit center ay lubos na makatutulong sa komunidad, partikular sa indigents at iba pa na walang kakayahang magbayad ng serbisyong medikal.

“Ito ang pinakaunang batas na isinulong ko nang naging senador ako nung 2019. Ang Malasakit Center ay para sa mga poor at indigent patients. Wala itong pinipili. Karapatan niyo bilang Pilipino ang maka-avail ng serbisyo nito,” ayon sa senador.

vuukle comment

BGC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with