^

Bansa

P4.7 bilyong Bicol International Airport malapit ng matapos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malapit nang matapos ang P4.7 bilyong Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay na inaasahang magbibigay daan sa pag-unlad ng turismo sa Bicol Region.

Kasabay nito, pinasalamatan naman ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade sa pagsasakatuparan ng nasabing proyekto na matagal ng pangarap ng mga Bicolano.

Si Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, ang nagpasimula sa proyekto mahigit isang dekada na ang nakalilipas sa Brgy. Alobo ng bayang ito na mataas na lugar at ligtas sa baha.

Inaasahang makukumpleto na ang pasilidad bago matapos ang 2021 at ang ganap na buong operasyon nito sa 2022.

Sinabi ni Salceda na ang pagbubukas ng BIA ay magsisilbing pinakamalakas na paraan para sa pagsulong ng ekonomiya ng Bicol dahil kaya nitong pangasiwaan ang 3,000 pasahero araw-araw kumpara sa 600 lamang na kapabilidad ng Legazpi Domestic Airport.

Lilikha rin ito ng 1,100 permanenteng trabaho bukod sa higit 47,000p pang ‘indirect jobs’ sa mga sektor ng kalakalan, turismo, transportasyon at iba pa sa sandaling magbalik na sa normal ang ekonomiya.

vuukle comment

AIRPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with