^

Bansa

Presyo ng pagkain, bilang ng nagugutom tumaas sa nakalipas na 5 taon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmahal ang presyo ng pagkain at tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagututom sa nakalipas na limang taon ng kasalukuyang administrasyon, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangilinan na noong 2015, ang presyo ng regular milled rice ay nasa P34 bawat kilo habang nasa P190 ang kilo ng baboy at P120 naman ang kada kilo ng manok.

Ngayong taon, umakyat na ang presyo ng regular milled rice sa average na P38 bawat kilo, P330 naman ang kilo ng karneng baboy at P160 ang bawat kilo ng manok.

Kasabay ng pagtaas ng presyo ng bilihin, sinabi ni Pangilinan na nadoble naman ang dami ng mga Pilipinong nagugutom, mula 10.6 porsiyento o nasa 2.4 milyong pamilyang Pilipino noong 2016 patungong 20.9 porsiyento o nasa 5.2 milyong pamilyang Pilipino noong 2020.

Sa nalalabing halos isang taon ng administrasyon, sinabi ni Pangilinan na dapat maghabol ang pamahalaan sa pagresolba ng mga problema ng bansa kasama na rin ang ilang isyu ng katiwalian, gaya ng P15 bilyong pondo ng PhilHealth.

vuukle comment

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with