^

Bansa

2 na patay sa Delta variant - DOH

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2 na patay sa Delta variant - DOH
Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, sa kabuuang 35 indibiduwal na nakitaan ng Delta variant sa bansa isa lang sa kanila ang namatay.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dalawa na ang namatay sa Pilipinas dahil sa Delta variant ng COVID-19, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie.

Ang unang namatay ay ang seafarer ng MV Athens Bridge na nangyari noon pang Mayo samantalang ang ikalawa ay isang 58-taong gulang na babae.

Sabi ni Vergeire, sa kabuuang 35 indibiduwal na nakitaan ng Delta variant sa bansa isa lang sa kanila ang namatay.

“Dito po sa Pilipinas katulad po ng nai-report natin, we have a total of 35 individuals detected with the Delta variant. Dalawa po sa kanila, dito sa 35, ay namatay at ito po ‘yung isang taga-MV Athens, iyong isa po naman ay taga-Maynila,” ani Vergeire sa Laging Handa press briefing.

Nilinaw din ni Vergeire na wala ng aktibong kaso ng Delta variant sa unang 35 na nakitaan nito dahil gumaling na ang 33 pasyente.

Dagdag ni Vergeirie na biniberipika pa nila kung totoong bakunado ang namatay na taga Maynila.

“As to the vaccination status, ang nakuha pa lang ho naming detalye would be one case, iyon pong taga-Maynila na apparently ay bakunado pero kailangan pa rin po namin i-verify,” ani Vergerie.

vuukle comment

DELTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with