^

Bansa

DFA nagbabala sa foreign travelers vs visa entry exemption scams

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga banyaga na nais pumasok ng Pilipinas na mag-ingat sa mga grupong nag-aalok ng exemption mula sa kasalukuyang suspensiyon nang pagbibigay ng visa.

Ginawa ng DFA ang babala sa gitna ng ulat na may mga foreign nationals na nagiging target ng scam.

Ayon sa DFA, hindi ito nangongolekta ng anu­mang fees para sa entry exemption document (EED) applicants, maliban sa visa fee na binabayaran sa Philippine embassy o consulate sa ibang bansa.

Wala anyang koneksiyon ang departamento sa mga nasabing indibiduwal at dapat silang i-report sa [email protected].

Inihayag din ng DFA na lahat ng request para sa entry exemptions ay biniberipika at iniendorso ng national government agencies at tinitingnan ang urgency at pangangailangan na magbiyahe sa Pilipinas.

Hindi rin naglalabas ng sponsorship o invitation letters ang DFA.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with