^

Bansa

Pagbabakuna sa Taal evacuees arangkada na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa Taal evacuees arangkada na
Umarangkada na kahapon ang pagbabakuna ng Department of Health sa mga residente ng Batangas na nasa mga evacuation centers upang makaiwas sa hawaan sa COVID-19 matapos silang maapektuhan ng pag-aalboroto ng Taal.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ang pagbabakuna sa libu-libong residente sa Batangas na inilikas matapos maapektuhan sa pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbakuna sa mga evacuees at binisita rin nito ang isang evacuation center sa bayan ng Agoncillio.

Ayon kay Duque, nagpadala na sila ng karagdagang supply ng COVID-19 vaccines at antigen test kits sa mga evacuation centers sa Batangas.

“Nagpadala rin tayo ng antigen test kits. Nagpadala rin tayo ng karagdagang bakuna. Meron nang 3,000 na bakuna na naipadala. Magdaragdag pa ng 2,000 pa para magkaroon ng sapat na coverage,” ani Duque.

Pinaalalahanan naman ni Duque ang mga lokal na opisyales na i-monitor ang mga evacuees kung may mga makararanas ng sintomas ng flu at agad silang ilagay sa isolation facility upang maiwasan ang hawaan ng virus o anumang sakit.

Nasa 5,680 residente sa mga apektadong lugar ang inilikas at nananatili sa mga evacuation centers at kanilang mga kaanak.

Samantala sa nakalipas na 24-oras, nakapagtala ng 17 volcanic quakes sa Taal.

Nagbuga rin ang Main Crater ng sulfur dioxide gas at steam-rich plumes na may taas na 2,500 metro. Ang ibinubugang asupre ay may 22,628 tonelada kada araw.

Nananatili sa Alert Level 3 ang bulkan na nanga­ngahulugan ng posibleng  malakas na pagsabog kaya’t pinapayuhan ang publiko na huwag lalapit o papasok sa loob ng Taal Volcano Island para makaiwas sa epektong idudulot ng posibleng pagsabog at ashfall.

 

vuukle comment

TAAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with