^

Bansa

Mga ayaw pabakuna arestuhin! - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mga ayaw pabakuna arestuhin! - Duterte
“Itong mga g*** na ayaw magpabakuna, and they are really the carriers. If you are - they can, you know, travel from one place to another, carrying the virus and then contaminating other people,” ani Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapahuli niya ang mga mamamayan na tumatangging magpabakuna laban sa COVID-19.

“Itong mga g*** na ayaw magpabakuna, and they are really the carriers. If you are --- they can, you know, travel from one place to another, carrying the virus and then contaminating other people,” ani Duterte.

Nagbanta rin ang Pa­ngulo na bakuna sa baboy ang ipapaturok niya sa mga tumatangging magpabakuna.

Ipinaalala niya na may kinakaharap na krisis at national emergency ang bansa kaya maipapaaresto niya ang mga ayaw magpaturok.

“Ang tigas ng ulo eh. Kaya ‘pag… Don’t --- don’t get me wrong. There is a crisis being faced in this country. There is a national emergency. Kung ayaw mong magpabakuna, ipaaresto kita. At ang bakuna ay galing --- itusok ko sa puwet mo. P***** i**. Bwiset kayo. Eh hirap na nga tayo tapos nandiyan pa kayo napakaraming…” ani Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na huwag nang hintayin ng mga mamamayan na gumamit siya ng kamay na bakal at lumayas sa Pilipinas ang ayaw magpabakuna.

“Kung hindi kayo magpabakuna, umalis kayo sa Pilipinas. Go to India if you want or somewhere, to America,” ani Duterte.

Wika pa ng Pangulo, ipapakuha niya sa mga kapitan ng barangay ang pangalan ng mga ayaw magpabakuna.

Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kailangan ng batas para sa mandatory vaccination at kung ano ang katapat na parusa para sa mga tatanggi.

Madali lamang aniya itong hilingin sa Kongreso lalo pa’t alam ng mga mambabatas ang kaha­lagahan ng bakuna.

Pero sinabi rin ni Roque na sana ay hindi na uma­bot sa punto na kailangan pang parusahan ang mga tatanggi sa bakuna.

Ipinagtanggol din ni Roque ang Pangulo sa kanyang banta na ipapakulong ang mga ayaw magpabakuna dahil mayroon aniyang “police power” ang gobyerno para maprotektahan ang kaligtasan ng lahat.

 

Related video:

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with