^

Bansa

Healthcare workers na papayagang lumabas ng bansa itinaas ng IATF

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itinaas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bilang ng mga healthcare workers (HCWs) na maaaring lumabas ng bansa para sa Mission Critical Skills (MCS) mula 5,000 sa 6,500.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga HCWs na kabilang sa MCS at may kontrata na noong Mayo 31, 2021 ay magi­ging bahagi ng adjusted ceiling.

Exempted naman sa adjusted ceiling ang mga healthcare workers na nasa ilalim ng go­vernment-to-government labor agreements.

Samantala, inihayag din ni Roque na inilipat ng IATF ang petsa nang pagpapatupad ng mas maikling quarantine period ng mga indibiduwal na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID -19 mula June 16 sa June 22.

Ito ay bilang konsi­derasyon sa full rollout ng proseso ng validation ng mga vaccination certificates.

Ang mas maikling quarantine ay ipinako sa pitong araw mula sa 14 na araw na mandatory quarantine kung saan ang 10 araw ay dapat ilagi sa isang government quarantine facility at ang natitirang araw ay sa loob ng bahay.

Sa kasalukuyang protocol, ang mga Filipinos na bumabalik sa bansa ay isinasailalim sa RT-PCR test sa ikapitong araw simula nang dumating sa bansa.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with