^

Bansa

Masbate vice mayor timbog sa ‘pagpatay’ kay VM Yuson

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip na ng pulisya sa Camarines Norte si Batuan, Masbate Vice Mayor Nelson Refermoso Cambaya na isa sa pitong suspek sa pagpatay kay Vice Mayor Charlie Yuson III noong 2019.

Ayon sa pulisya, si Cambaya, 58, ay naaresto sa isang barangay sa Quinapagian, Mercedes, Camarines Norte, ka­makalawa ng hapon.

Natunton si Cambaya dahil sa pagkikipagtulu­ngan ng Barangay Intelligence Network (BIN).

Hindi na nakapalag si Cambaya nang isilbi sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest dahil sa kasong murder at frustrated murder.

Magugunita na Oktubre 9, 2019 nang pagbabarilin hanggang sa mapatay si Yuson ng mga armadong lalaking lulan ng kulay gray na van. Sugatan sa pamamaril ang dalawang kasama niyang nag-aalmusal sa tapat ng isang bahay sa Vicente Cruz Street, Sampaloc, Maynila.

Bukod kay Cambaya, nakapiit na sa Mercedes Municipal Police Station, ang akusado rin sa pagpatay kay Yuson na si PCSO board member Sandra Cam, anak niyang si Marco Martin Cam, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with