^

Bansa

Walang trabaho noong Abril sumipa sa 4.14 milyon bunsod ng lockdown 2.0

James Relativo - Philstar.com
Walang trabaho noong Abril sumipa sa 4.14 milyon bunsod ng lockdown 2.0
A residential area along Pasig River is dwarfed by towering buildings in Mandaluyong City as photographed on Tuesday, June 1, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dumami porsyento ng populasyong nawalan ng trabaho nitong Abril kasabay ng panunumbalik ng pinakamahihigpit na lockdowns laban sa COVID-19, pagbabahagi ng Philippine Statisatics Authority (PSA) ngayong araw.

"Ang unemployed persons o bilang ng nasa labor force na walang trabaho o negosyo nitong Abril 2021 ay nasa 4.14 million," ayon sa PSA, Martes.

"Mapapansing muli ang pagtaas ng unemployment rate nitong Abril 2021 ng ipatupad ang [enhanced community quarantine] sa NCR Plus."

Napag-alaman ang mga nasabing datos matapos i-survey ng pamahalaan ang nasa 43,938 kabahayan.

Matatandaang ika-7 ng Marso nang manumbalik ang ECQ dahil sa muling pagsipa ng mga kaso noong April 2021, dahilan para muling maghigpit ang gobyerno at isara ang maraming establisyamento.

Dahil diyan, 8.7% ang unemployment rate ngayong Abril, na mas mataas sa 7.1% noong Marso ng parehong taon.

Gayunpaman, labis na mas mababa ang tantos na 'yan kumpara sa record-high na 17.6% noong Abril 2020, kung kailan unang beses ipinatupad ang ECQ — bagay na nagpahinto sa pagkarami-raming economic activity.

Ayon kay Wold Bank senior economist Kevin Chua kanina, binawi ng panunumbalik ng mas mahihigpit na quarantine measures ang "early signs" ng economic rebound.

"The economy is expected to recover over the forecast horizon, but there are significant downside risks," ani Chua.

"The key policy challenges are to manage the pandemic, effectively deliver social protection, and mobilize private sector participation in the recovery."

Underemployment sumirit din

Tumaas din nitong Abril ang mga underemployed na 7.45 milyon (17.2%). Mas mataas 'yan kumpara sa 16.2% lang na underemployment rate Marso ngayong taon.

Kumakatawan ang mga underemployed na populasyon sa hindi paggamit nang maayos sa isang manggagawa, dahil ang mga trabaho ay hindi nagagamit ang kanyang kasanayan, part-time lang, atbp.

May trabaho pero hindi makapasok

Kaugnay ng mga datos sa itaas, merong mga employed (may trabaho) ngunit hindi makapasok. Narito ang mga pangunahing dahilan kung bakit ito nangyari noong Abril 2021:

  • ECQ/lockdown/COVID-19 pandemic
  • health/medical limitations
  • pagbaba ng kliyente o trabaho
  • variable working time/nature of work

vuukle comment

ECONOMY

JOBLESS

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with