^

Bansa

3 bangkay ng lalaki magkasunod na natagpuan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

BARAS, Rizal, Philippines — Magkakasunod na nadiskubre ng mga residente ang tatlong bangkay ng mga hindi kilalang lalaki sa bayan ng Baras, Rizal kamakalawa.

Inaalam pa ng mga oto­ridad kung biktima ng summary execution ang mga ito na inaalam pa ang pagkakakilanlan na pawang nadiskubre sa Brgy. Pi­nugay.

Batay sa ulat ng Baras Municipal Police Station, unang natagpuan ang da­lawang bangkay dakong alas-7:00 ng umaga ng isang concerned citizen kaya’t kaagad itong inireport sa mga awtoridad.

Isa umano sa mga biktima ay nakasuot ng itim na sando at gray pants, at may mga tattoo sa mga braso at katawan habang ang isa pa ay nakasuot ng asul na t-shirt at maong pants, at nakabalot ng pink na kumot.

Dakong alas-7:00 ng gabi naman nang sumunod na madiskubre ang ikatlong biktima na naa­agnas na ang bangkay, at ang mga paa ay nakatali ng brown na packaging tape.

Ayon sa mga pulis, nakabalot ang bangkay sa isang garbage bag at nakasilid pa sa sako ng bigas.

Masusi naman nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima, gayundin ang motibo ng pagpatay at kung sinu-sino ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment

SUMMARY EXECUTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with