^

Bansa

Pondo ng NTF-ELCAC ‘wag tanggalin – Esperon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing nakiusap ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga mambabatas at ibang sektor na unawain ang kahalagahan ng Barangay Development Program (BDP), na ang layunin ay isalba ang mga barangay mula sa pagkakalugmok dulot ng pananakop ng New People’s Army (NPA).

Ginawa ni NTF-ELCAC Vice Chairman at National Security Adviser Hermogenes Esperon ang apela matapos ang sunud-sunod na pagbabanta ng mga Senador at Kongresista na tatanggalan ng budget ang ahensiya dahil umano sa red-tagging activities ng ilang miyembro.

Ayon kay Esperon, nagpapasalamat ang buong NTF-ELCAC sa Kongreso dahil sa pagbibigay nito ng P16.44 bilyon para sa BDP ngayong 2021.

Malaking bahagi ng mga barangay ang maapektuhan kung tuluyang aalisin ang pondo ng NTF-ELCAC dahil itinuturing ding flagship project ng Duterte administration ang BDP.

Sinisiguro ni Esperon na hindi ito general’s pork barrel at hindi rin masasayang ang pondo ng NTF-ELCAC dahil ito ay mapupunta sa pagsugpo ng rebelyon at mapipigilan ang recruitment ng CPP-NPA.

Nilinaw ni Esperon na ang pondo ay hindi cash na ibibigay sa mga lokal na pamahalaan kung hindi sa pamamagitan ng proyekto gaya ng farm-to-market road, school building, water sanitation, health station at livelihood projects.

Aabot sa 822 barangays sa buong Pilipinas ang mabibigyan ng tig-P20 milyon para sa 2021 sa ilalim ng BDP.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with