HK nagkasa ng travel ban sa Pinas
MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Hongkong ang flights mula sa Pilipinas, kasama ang India at Pakistan sa loob ng dalawang linggo simula ngayong araw Abril 20.
Ito ay matapos na ma-detect ang N501Y mutant ng Covid-19 strain sa Asian financial hub sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang Pilipinas, India at Pakistan ay pasok sa klasipikasyon bilang “extremely high risk” matapos na magkaroon ng mara-ming kaso ng nasabing strain sa Hong Kong sa nakalipas na 14-araw.
Dahil dito kaya tuloy-tuloy ang paghihikayat ng mga otoridad sa HK sa kanilang mga residente na magpabakuna na, dahil wala pa sa 10% ng 7.5 milyong residente ang nababakunahan.
Nakapagtala ang HongKong ng 11,600 kaso at 209 deaths.
- Latest