^

Bansa

Technology transfer, resiliency innovations sa CREATE ACT isinusulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda ang ‘resiliency –building innovations sa ilalim ng bagong batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act upang lumikha ng mga bagong industriya na higit na matatag sa kabila ng hagupit ng pandemya tulad ng COVID 19.

Ayon kay Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means at pangunahing may-akda ng Republic Act (RA) 11534 o CREATE Act sa halip na buhayin pa ang wala ng silbi o nalugmok ng mga industriya ay dapat lumikha na lamang ng mga bago na susubok sa hamon ng panahon.

Sinabi ni Salceda, isang ekonomistang mam­ba­batas na kasalukuyan na siyang nakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pag­likha ng bagong “investment promo brochure” o listahan ng mga prayoridad na industriya sa ilalim ng CREATE Act.

“Gaya ng ibang malalaking pangyayari sa kasaysayan, maraming industriya ang ginawang walang silbi ng Covid-19. Ang susi sa pag-unlad ay hindi ang muling pagbuhay sa wala nang silbing mga industriya, kundi ang paglikha ng mga bago,” punto ni Salceda.

vuukle comment

CREATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with