Gesmundo itinalagang bagong Chief Justice
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Supreme Court of the Philippines.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagkakatalaga ng Pangulo kay Gesmundo.
“Kinukumpirma ng Palasyo na pinirmahan na po ng Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas,” ani Roque.
Sinabi ni Roque na umaasa ang Malacañang na ipagpapatuloy ni Gesmundo ang “judicial excellence” at indepen-dence.
Hindi na aniya bago sa hudikatura si Gesmundo dahil nagsilbi ito bilang Associate Justice sa SC at Associate Justice sa Sandiganbayan.
- Latest