^

Bansa

Malacañang aminado na ‘di sapat ang ayuda

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aminado ang Mala-cañang na hindi sapat ang P4,000 na ayuda para sa dalawang linggo sa mga pamilyang may apat na miyembro na nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala naman talagang pasok ang Lunes Santo at Martes Santo kaya dalawang araw lamang ang nawalang kita ng mga empleyado.

Hindi aniya sapat ang P4,000 pero ang “nature” ng ayuda ay tulong para sa mga panahon na hindi makakapagtrabaho ang mga mamamayan.

Ang P4,000 ang pinaka-maximum na halaga na ibibigay sa isang pamilya para sa apat na miyembro nito na aabot ang kabuuan sa P23 bilyon.

Kinumpirma rin ni Roque na ngayong linggo na ilalabas ang nasabing halaga.

Sa ngayon anya ay wala pang kasunod na ayuda dahil naka-recess ang Kongreso na siyang magpapasa ng supplemental budget kung kinakailangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with