^

Bansa

DOF, NEDA kinilala si Salceda sa papel niya sa mga pang-ekonomiyang reporma ng bansa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinilala ng Department of Finance at National Economic and Development Authority (NEDA) ang napakahalaga at “natatanging” papel ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda “sa makasaysayang mga pang-ekonomiyang reporma sa Pilipinas” na tulong din sa administrasyong Duterte para mapasulong ang pag-unlad ng bansa.

Sa isang nagkasamang pahayag, pinasalamatan nina Finance Secretary Carlos S. Domi-nguez at Acting Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua si Salceda sa “napakahalagang pagtulak niya sa Kongreso ng ‘Corpo­rate Income Tax and Incentives Rationalization (CITIRA) Act, na ngayon ay tinatawag ng ‘Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act’” na nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong nakaraang ika-26 ng Marso.

Si Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee ang pangunahing may-akda ng CREATE Act (RA 11534). Nakikita itong magbibigay ng pinakamalaking kati-   piran sa buwis sa pribadong sektor na tinatayang aabot sa P7.1 trillion at lilikha ng isa hanggang 1.4 milyong mga trabahong kapaki-pakinabang sa susunod na 10 taon.

Tiniyak din nina Do­minguez at Chua na maki­kipag­tulungan sila kay Salceda sa pagpasa ng natitira pang mga panukala para sa kumprehensibong reporma sa buwis at ‘economic recovery programs’ na inaasahang lalong magpapatibay sa katatagan ng pananalapi at ekonomiya ng bansa laban sa mga pagsubok sa hinaharap.

Sa ilalim ng CREATE, ibababa ang Corporate Income Tax (CIT) mula 30 porsiyento sa 20% para sa maliliit na negosyo o ‘micro, small and medium enterprises (MSMEs)’ at sa 25% para sa ibang mga korpo-rasyon mula noong Hulyo 1, 2020.

vuukle comment

NEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with