^

Bansa

'Hate crime': 65-anyos na Pinay pinagbubugbog sa kalsada ng New York

James Relativo - Philstar.com
'Hate crime': 65-anyos na Pinay pinagbubugbog sa kalsada ng New York
Kitang-kita sa video na sinisipa ng Amerikanong lalaking ito ang isang 65-anyos na babaeng Fil-Am sa Midtown Manhattan, New York City
Video grab mula sa Twitter account ng NYPD NEWS

MANILA, Philippines (2:56 p.m.) — Pinaghahanap pa rin ngayon ng New York police ang kinaroroonan ng isang lalaki sa Estados Unidos matapos bugbugin ang isang migranteng Pilipina na naglalakad lang naman noon sa kalsada — isa lang sa serye ng anti-Asian violence sa Amerika nitong mga nagdaang araw.

Nangyari ang atake bandang 11:40 a.m. sa Midtown Manhattan nitong Lunes, bagay na nasapul ng CCTV camera sa katabing gusali.

"[T]he suspect punched and kicked a 65-year-old woman while making anti-Asian statements," ayon sa New York City Police Department nitong Martes.

Kitang-kita sa video kung paano sikmuraan ang senior citizen hanggang sa pagsisipain nang paulit-ulit kahit nakahandusay na sa sahig.

Hindi naman inawat ng mga nakakita ang insidente at isinara pa nga ang pinto matapos masaksihan ang krimen.

Ngayong Miyerkules lang nang kumpirmahin ng ABS-CBN reporter mula sa Estados Unidos na migranteng Pilipina ang biktima matapos ang isinagawang press briefing.

Hindi pa naman alam ang pagkikilanlan ng attacker, ngunit naglabas ang NYPD ng kanyang larawan, bagay na tila galing din sa isang CCTV footage.

Hindi pa tinutukoy sa media ang pangalan ng biktima, ngunit sinasabi ng AFP na naospital ang babae na nagtamo ng sari-saring injuries — kasama ang nabaling pelvis.

Stable naman na ang kondisyon ng Pinay sa ngayon, ayon sa pulis nitong Martes. Iniimbestigahan na ngayon ng NYPD hate crime task force ang assault.

Epidemya ng 'hate crime'

Sinisilip din ngayon ng parehong police force ang kaso ng isang lalaki na nanakit din ng babae sa lang subway station nitong Sabado ng gabi. Hindi naman gaano na-injure ang babae at tumanggi sa medical assitance.

Dumarami ngayon ang karahan laban sa mga Asyano sa New York at iba pang lungsod sa Estado Unidos simula nang sumipa ang COVID-19 pandemic, lalo na't tinutukoy ito bilang "Chinese virus" ni dating US president Donald Trump.

Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang barilin sa mata ang 19-year-old Fil-Am na si Jessica Dimalanta matapos mag-attend ng isang car stunt show sa San Francisco nitong Marso.

"On Saturday, my daughter was shot and bullets went through her right eye, she was a victim of a hate crime, police are still investigating and trying to find justice for her," ani Sharon Martin sa Facebook noong isang linggo.

"No one deserved to experience what we are going through, please to all people that are reading my message I ask to offer a prayer for her healing and recovery and that they may find the people that did this to my daughter."

Humihingi ng tulong pinansyal ang pamilya ni Dimalanta habang nananawagang itigil na ang "Asian hate" sa Amerika.

On Saturday,my daughter was shot and bullets went through her right eye, she was a victim of a hate crime, police are...

Posted by Sharon Martin on Tuesday, March 23, 2021

Umabot na sa siyam na hate crimes ang naitatala ng pulis mula ika-15 hanggang ika-21 ng Marso, mas marami sa tatlo lang na na-record noong parehong panahon noong 2020.

Una nang sinabi ni New York Gov. Andrew Cuomo na nagiging "epidemya" na ang karahang ito sa kanilang bansa, bagay na "dapat na raw itigil." Kaliwa't kanang protesta ang nangyayari ngayon sa Amerika bilang pakikiisa. Tinatayang mahigit isang milyong Asyano ang nakatira sa New York. — James Relativo at may mga ulat mula sa Agence France-Presse

vuukle comment

FILIPINO-AMERICAN

HATE CRIME

NEW YORK CITY

RACISM

VIOLENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with