^

Bansa

CoronaVac ituturok sa mga senior na may ‘controlled comorbidities’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Parehong gagamitin ng Department of Health (DOH) ang hawak na mga bakuna mula sa AstraZeneca at CoronaVac ng Sinovac sa mga senior citizens ngunit ang huli ay ilalaan para sa mga may controlled “comorbidities”.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na habang tinatapos pa ang pagbabakuna sa mga healthcare workers ay maaari na ring simulan ang pagbabakuna sa mga senior citizens.

Sa datos ng DOH, pinakamababa ang tsansa na dapuan ang mga senior citizen ng virus sa 15% ngunit kung mangyari ito ay 10 beses silang maaaring lumala ang kundisyon at sumapit sa pagkamatay.

Sa mga may comorbidities, pinakamataas ang tsansa na masawi kung dadapuan ng COVID-19 ang mga may taglay na “chronic liver disease”, kasunod ang may “chronic kidney disease” at ikatlo ang may “cardiovascular disease”.

Pinakamababa ang antas na masawi ang mga may “obesity, Diabetes, Malignancy, Hypertension at chronic respiratory.”

 

vuukle comment

ASTRAZENECA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with