^

Bansa

Bong Go rumesbak sa Tacloban City para tulungan ang Yolanda victims

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kanyang patuloy na assistance efforts sa mga survivor ng kalamidad, niresbakan ng outreach team ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda noong 2013 sa Tacloban City na muling pinalugmok ng pandemya para bigyan ng iba’t ibang ayuda.

Isinagawa sa Tacloban City Astrodome, umaabot sa 1,700 beneficiaries ang binigyan ng food packs, vitamins, medical-grade masks at face shields para maprotektahan sila sa patuloy na pagkalat ng COVID-19.

May mga benepisyaryong binigyan ng bagong sapatos habang ang iba ay nakatanggap ng bisikleta. Namahagi rin si Sen. Go ng computer tablets na maka­tutulong sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral.

Sa kanyang video message, tiniyak ni Go sa mga residente na magpapatuloy ang pamahalaan sa mga pangako nito na palaging nakaayuda sa mga nanga­ngailangan.

Inalok din ni Go ang mga walang pampadoktor na humingi ng medical assistance sa pamahalaan sa pamamagitan ng Malasakit Center sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

vuukle comment

YOLANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with