^

Bansa

15-17 sa NCR bawal uli lumabas nang 2 linggo sa pagsipa ng COVID-19 cases

James Relativo - Philstar.com
15-17 sa NCR bawal uli lumabas nang 2 linggo sa pagsipa ng COVID-19 cases
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasalantang pamilya kasama ang mga bata sa isang eskwelahan sa Sorsogon matapos tumama ang bagyong "Ambo," ika-14 ng Mayo, 2020
AFP/Sharbyn Sayat, File

MANILA, Philippines — Pagbabawalan uling lumabas ng bahay ang lahat ng menor de edad sa Kamaynilaan kasunod ng biglaang pagsipa ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), pagkukumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Lunes.

Ito ang sinabi ng naturang tanggapan isang araw matapos umabot sa 5,404 ang arawang pagtalon ng kaso — ang ikaapat na pinakalamaki sa kasaysayan ng Pilipinas.

Basahin: Bagong hawa ng COVID-19 sa 'Pinas nasa 5,404, pinakamalala mula August 14

  • Edad na pwedeng lumabas ng bahay: 18-65 taong gulang simula bukas, ika-17 ng Marso
  • Banned sa susunod na dalawang linggo: edad 15-17, bagay na ipatutupad sa 17 pamahalaang lungsod ng National Capital Region (NCR).

MINORS BANNED OUTDOORS ANEW FOR TWO WEEKS STARTING TOMORROW Only individuals aged 18-65 years old are allowed to go...

Posted by MMDA on Monday, March 15, 2021

Resolusyon ng MMC binabalangkas

Ani MMDA chairperson Benhur Abalos, pinagkaisahan na ito ng mga alkalde ng Metro Manila para na rin makontrol ang hawaan ng COVID-19 sa punong rehiyon.

"We are implementing age restrictions because of the increase in our COVID-19 cases. We encourage everyone to strictly observe and practice the minimum health protocols, and be extra careful and follow stringent measures particularly when around vulnerable family members, as there have been reports of transmission among family members," ani Abalos kanina.

"As I've said before, the metro mayors and MMDA are regularly monitoring the COVID-19 numbers and we will implement calibration and changes on our directives depending on the figures that we have."

Sabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco, naabot nila ang naturang desisyon matapos ang isang virtual meeting na inilunsad nitong Lunes ng gabi.

Magbabalangkas na sa ngayon ng resolusyon ang Metro Manila Council, sa pamamagitan ng MMC, pagdating sa mga bagong paghihigpit.

Nangyayari ito isang buwan matapos luwagan ng NCR mayors ang age restrictions sa mga batang edad 15-17 para na rin "maengganyo ang economic activities."

Kaugnay na balita: Metro Manila mayors 'payag na' palabasin 15-17-anyos ng mga bahay

Sa huling taya ng Department of Health kahapon, umabot na sa 626,893 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas habang 12,837 sa kanila ang patay na. 

Kahapon lang din nang magpatupad ng mga 10 p.m. to 5 a.m. curfew ang NCR dahil sa mga pagsirit ng kaso. Maliban diyan, nagbabalik ang localized lockdowns sa ilang lugar at baranggay sa Maynila at Quezon City. — may mga ulat mula sa The STAR/Marc Jayson Cayabyab

vuukle comment

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with