^

Bansa

5.1 magnitude na lindol niyanig katubigan malapit sa Zambales

Philstar.com
5.1 magnitude na lindol niyanig katubigan malapit sa Zambales
Satellite image ng Santa Cruz, Zambales mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Isang 5.1 magnitude na lindol ang yumugtog malapit sa kapuluan ng Luzon, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), Huwebes ng hapon.

Nangyari ang lindol bandang 3:24 p.m. kanina 71 kilometro mula Santa Cruz, Zambales — ilang oras matapos ang 2021 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ng Office of Civil Defense ngayong araw.

Sa kabila nito, walang nai-report na intensities ang Phivolcs dahil nasa gitna ng tubig nangyari ang insidente.

Inaasahan ang mga "aftershocks," o serye ng mga mas mahihinang lindol, sa mga susunod na oras wika ng state volcanologists ngunit wala pa namang nakikitang pinsala na maidudulot nito sa tao.

Una nang ini-report na 5.7 magnitude ang naturang earthquake — na "tectonic" ang origin — ngunit agad namang nirebisa ng pamahalaan.

Wala pa namang inilalabas na babala ang gobyerno pagdating sa posibleng "tsunami" sa ngayon, o biglang pagragasa ng tubig sa lupa bunsod ng paggalaw ng kalupaan.

Ganap na 2 p.m. ngayong araw nang magdaos ng pambansang earthquake drill ang gobyerno para sa first quarter ng 2021, bagay na isinagawa sa pamamagitan ng online platform ng social media.

"Sa ating earthquake drill ngayong araw, ating isaisip ang mahalagang paalala para sa ating kaligtasan sa oras ng lindol: mag-duck, cover and hold," ayon kay Civil Defense Deputy Administrator for Operations Assistant Secretary Casiano Monilla bago patunugin ang sirena.

"Kapag nagkaroon ng pagyanig, siguraduhing protektado ang lahat ng mahal sa buhay at lumikas sa tamang panahon. Laging tandaan na walang pinipiling oras ang sakuna."

vuukle comment

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

ZAMBALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with