Walang pilitan sa bakuna – Palasyo
Sa ‘no vaccine, no work’ policy
MANILA, Philippines — Hindi ipipilit ng gobyerno sa sinuman na magpaturok kahit pa napaulat na may mga kompanyang gustong magpatupad ng “no vaccine, no work” policy.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, walang pilitan para kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna rito, sinabi ni Duterte na walang problema sa kanya kung may mga mamamayan na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.
“For those who do not want to be vaccinated, okay lang sa akin. Wala akong problema. Ayaw ninyong magpabakuna?,” ani Duterte matapos dumating ang donasyong bakuna mula sa China.
Sinabi ng Pangulo na dapat ikonsidera ang kalayaan ng bawat indibiduwal at kung ano ang mangyayari sa kanyang katawan.
Samantala, nagbabala na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employers na magpapatalsik sa kanilang mga empleyado na hindi magpapabakuna.
- Latest