Pandemic mananatili sa buong 2021 – WHO
MANILA, Philippines — Patuloy na mananatili at mananalasa ang coronavirus 2019 ngayong buong 2021 sa kabila ng pag-uumpisa ng ‘vaccination program’ ng iba’t ibang bansa sa mundo.
Ayon kay World Health Organization (WHO) emergencies director Michael Ryan na hindi makatotohanan na magtatapos ang pandemya sa katapusan ng taon ngunit malaki naman ang tsansa na mabawasan ang mga nagkakasakit ng malubha at nasasawi.
Kontrolado pa umano ng virus ang mundo. Patunay umano nito ang pagtaas pa ng average ng mga bagong kaso sa buong mundo nitong nakaraang linggo matapos ang anim na linggong patuloy na pagbaba ng mga datos.
Sa pagbabakuna sa mga health care workers at mga nasa ‘most vulnerable’, matatanggal naman ang takot ng tao sa pandemya at mababawasan ang negatibong epekto.
Nagbabala naman sa pagre-relax sa health protocols ng ibang mga bansa si WHO director-general Tedros Ghebreyesus partikular sa mga bansa sa Europa, Americas, southeast Asia at eastern Mediterranean.
“Vaccines will help to save lives, but if countries rely solely on vaccines, they’re making a mistake. Basic public health measures remain the foundation of the response,” giit ni Ghebreyesus.
- Latest