^

Bansa

De Lima idiniin ng testigo sa drug case, pero nakalusot sa isang kaso

Ludy Bermudo, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
De Lima idiniin ng testigo sa drug case, pero nakalusot sa isang kaso
Sa pag-usad ng pagdinig kamakalawa, sa kasong droga na isinampa laban kay De Lima at iba pang akusado sa Muntinlupa RTC Branch 256, iprinisinta ng prosecution ang testigong si Joel Capones, isang inmate sa NBP, kung saan sinabi nito na noong Disyembre 2013, hinikayat umano siya ni Sebastian na magbenta ng droga sa loob at labas ng NBP upang makalikom ng pondo para sa pagtakbo ni De Lima bilang senador.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Iginiit ng testigo na hawak ng prosecution sa Muntinlupa City Regional Trial Court na nakita umano niyang iniabot ng drug lord na si Jaybee Sebastian ang P1.4 milyong halaga ng drug money kay dating Justice Secretary at nakakulong ngayong Senador na si Leila de Lima noong 2014 sa loob ng Bahay na Bato sa New Bilibid Prison.

Sa pag-usad ng pagdinig kamakalawa, sa kasong droga na isinampa laban kay De Lima at iba pang akusado sa Muntinlupa RTC Branch 256, iprinisinta ng prosecution ang testigong si Joel Capones, isang inmate sa NBP, kung saan sinabi nito na noong Disyembre 2013, hinikayat umano siya ni Sebastian na magbenta ng droga sa loob at labas ng NBP upang makalikom ng pondo para sa pagtakbo ni De Lima bilang senador.

Inamin ni Capones na siya ay nagbenta ng iligal na droga upang sumunod sa utos ni Sebastian dahil malakas ang impluwensiya nito sa mga awtoridad sa NBP.

Inilahad ni Capones na noong March 2014 sa anibersaryo ng Comando Sigue Sigue Organization, idineliver niya ang P1.4 milyon kay Sebastian sa Bahay na Bato bilang “quota payment” sa kanyang ibinentang shabu.

Ayon pa kay Capones, si De Lima ay nasa Bahay na Bato rin nang araw na iniabot niya ang pera kay Sebastian at narinig niyang sinabi ng huli kay De Lima na “Ma’am eto na po ang pera” at nakita niyang iniabot ang P1.4 milyong piso sa Senadora.

Muling isasalang si Capones sa prosecution sa darating na Pebrero 23, 2021.

Samantala, isa sa tatlong kaso na may kinalaman sa illegal na droga ni Senador Leila de Lima ang ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC)

Sa kabila nito, ibinasura naman ng korte ang inihaing demurrer ng kampo ni De LIma at motion to bail sa kaso.

Sa inilabas na dokumento ng korte sinabi nito na ang kapwa akusado niya na si Jose Adrian “Jad” Dera ay responsible for his acts.

“Notwithstanding the dearth of evidence to establish that De Lima has a hand in the proliferation of drug trading in so far as this case is concerned, it can be deduced from the evidence presented that Dera had participated in the drug trading inside the NBP,” ayon pa sa desisyon.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with