^

Bansa

Unang batch ng bakuna ide-deliver na – Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na tinata­yang 117,000 doses ng Pfizer vaccines ang inaasahang ide-deliver na sa bansa ngayong buwan, kasabay ng nasa 5.5 hanggang 9 million doses ng bakuna naman  mula sa AstraZeneca na darating sa first at second quarters.

Ayon kay Go, ang mga frontliners na itinataya ang kanilang buhay sa paglaban sa COVID-19, ang makatatanggap ng first batch ng vaccines na binili ng gobyerno para sa unang quarter ng 2021.

Ipinunto ng senador na ang malaking demand para sa bakuna sa gitna ng limitadong supply ay napalaking hamon, hindi lang sa bansa, kundi sa buong mundo.

Ngunit tiniyak ni Go na mahigpit na naka-monitor si Pangulong Rodrigo Duterte sa developments kaugnay ng ginagawang pagsisikap ng bansa na makabili ng bakuna para sa target na 50 to 70 million Filipino na mabakunahan.

Umaasa si Sen. Go na pagdating sa bansa ng bakuna, magiging malaking tulong ito para makabangon na ang ekonomiya at maibalik na ang lahat sa normal.

vuukle comment

PFIZER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with