^

Bansa

Batas na magpapalakas sa Anti-Money Laundering Act pirmado na ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Batas na magpapalakas sa Anti-Money Laundering Act pirmado na ni Duterte
Dahil sa pinalakas na Anti-Money Laundering Act, hindi na masasama ang Pilipinas sa “gray list” ng mga bansa na mahina ang polisiya laban sa money laundering.
BW Photo/File

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11521 na naglalayong amyendahan at palakasin ang RA 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001.

Layunin ng ba­gong batas na hindi ma­ga­mit ang Pilipinas bilang isang money laundering site ng mga gumagawa ng ilegal.

Dahil sa pinalakas na Anti-Money Laundering Act, hindi na masasama ang Pilipinas sa “gray list” ng mga bansa na mahina ang polisiya laban sa money laundering.

Kasama sa babanta­yan sa RA 11521 ang mga real estate develo­pers at brokers na bumibili at nagbebenta ng real estate properties, mga Philippine offshore ga­ming operators at kanilang service providers.

Pinalakas din ng bagong batas ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na binigyan ng kapangyarihan na kumuha, tumanggap at mag-analyze ng mga kahina-hinalang transaction reports.

Ang AMLC ay maari na ring mag-imbestiga, magpalabas ng subpoena at magsagawa ng search at seizure sa mga pinaghihinalaang indibiduwal.

Samantala, ang mga lalabag sa confidentiality clause ay maaaring makukulong ng tatlo hanggang walong taon at magmumulta ng mula P500,000 hanggang P1 milyon.

Kung ang nagkasala ay isang opisyal ng gobyerno, papatawan ito ng perpetual o  temporary disqualification sa pagsisilbi sa public office bukod pa sa parusang pagkabilanggo at multa.

vuukle comment

ANTI MONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with