^

Bansa

Economic cha-cha napapanahon – Salceda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Positibo si 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na aakit ng marami at malalaking dayuhang investors na lilikha rin ng 422,047 trabaho sa Pilipinas sa taong 2022 ang isinusulong na pag-aamyenda sa ‘economic provisions’ ng 1987 Konstitusyon ng bansa.

Sa pamamagitan nito, ayon kay Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, kung maisasa­batas ang nasabing hakbangin ay hindi na kailangan pang ipadala ang mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.

Ang nasabing panukala ay nakapaloob sa ‘Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 ng Kamara at Senado kung saan kasalukuyan na itong tinatalakay at isinusulong ng karamihan sa mga mambabatas at lehislatura.

Binigyang diin ni Salceda na sadyang tama ang panukalang pag-amyenda sa ‘economic provision’ ng Konstitusyon o ‘economic cha-cha.

Ipinaliwanag ni Salceda na aalisin ng panukalang amyenda ang sobrang nakasasakal na pagbabawal sa pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan sa bansa. Kung mapagtitibay ang panukalang amyenda ngayong taon, tinatayang mga P211.21 bilyong ‘foreign direct investments’ (FDI) ang papasok kaagad sa Pilipinas na  katumbas ng 0.55% dagdag na ‘gross domestic product’.

vuukle comment

HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with