^

Bansa

Paggasta ng pondo, babantayan ng ACT-CIS

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Paggasta ng pondo, babantayan ng ACT-CIS
Ayon kay Benguet Caretaker Rep. Eric Yap, ang responsibilidad niya bilang pinuno ng Appropriations Committee ng Kongreso, ay hindi nagtatapos sa pagpapatibay ng budget.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagpapalawig sa validity ng 2020 General Appropriations Act at Bayanihan 2, inihayag ni ACT-CIS Partylist at Benguet Caretaker Rep. Eric Yap na kanyang babantayan ang matuwid na paggasta ng pondo ng mga mamamayan.

Ayon kay Yap, ang responsibilidad niya bilang pinuno ng Appropriations Committee ng Kongreso, ay hindi nagtatapos sa pagpapatibay ng budget.

Bukod sa kanyang regular committee work, binabantayan din niya kung paano ginagamit ang budget sa buong taon. Tiniyak naman ni Yap na bawat piso na galing sa buwis ng mga mamamayan ay didiretso sa kapakinaba­ngan ng mga ito.

“Isa rin sa bubusisiin natin ay kung paano ginastos ang Bayanihan 1 at 2, lalo na sa mga ahensya na kung saan marami tayong natanggap na reports ng irregularidad. Itong dalawang batas na ito ipinasa para tulungan ang ating mga kababayan na higit na naapektuhan ng pandemya, lalo na yung mga nawalan ng hanapbuhay at walang panggastos para sa pamilya. If we uncover proof of corruption and irregularities, heads should roll,” pahayag pa ng partylist solon.

Dagdag pa niya, ito ay naaayon sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang anti-corruption efforts ng pamahalaan.

vuukle comment

ERIC YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with