^

Bansa

61 pang pulis nagpositibo sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
61 pang pulis nagpositibo sa COVID-19
Ang pahayag ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ay bunsod ng 61 pulis na bagong kaso ng COVID-19.
The Freeman, file

MANILA, Philippines — Inutos ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa mga pulis na maging maingat sa lahat ng oras sa pagtupad ng tungkulin upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa coronavirus.

Ang pahayag ni Sinas ay bunsod ng 61 pulis na bagong kaso ng COVID.

Kabilang dito ang PNP-National Administrative Support Unit - 2; National Operational Support Unit - 9;  NCRPO - 12; Police Regional Office (PRO) 2 - 1; PRO 4A - 4; PRO 4B - 1; PRO 8 - 1, PRO 10 - 1PRO 11 - 2;  PRO 12 - 1;  PRO COR - 25 at PRO BAR - 2.

Dahil dito, nasa 9,525 ang positibong kaso sa PNP pa lamang.

Giit ni Sinas, mas pinahigpit pa niya ang implementasyon ng mga health protocol upang unti-unting masugpo ang virus.

Paliwanag ni Sinas, ang lahat ng mga pulis ay dapat na gumamit ng face mask at face shield sa mga presinto sa lahat ng oras dahil hindi nakikita ang kalabang virus.

Hindi rin dapat na ma­ging kampante ang pulis lalo at kabilang ang mga ito sa frontliners.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with