^

Bansa

30 milyong bakuna selyado na, 60 milyon pa susunod

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
30 milyong bakuna selyado na, 60 milyon pa susunod
Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez na may nakuha na ang Pilipinas na 30 million doses ng COVID-19 vaccine at mayroon pang paparating na 60 million ngayong linggo.
AFP/Nicolas Asfouri

MANILA, Philippines — Posibleng umarangkada na ang bakunahan sa bansa dahil sa pagdating ng unang batch ng mga bakuna sa Pebrero 20.

Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez na may nakuha na ang Pilipinas na 30 million doses ng COVID-19 vaccine at mayroon pang paparating na 60 million ngayong linggo.

Tiniyak ito ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole dalawang araw matapos na lagdaan ang term of sheet sa Serum Institute of India (SII) kung saan mangagaling ang may 30 million doses ng bakuna na Covovax 

Ang Covovax ay nasa ikatlong stage trial na isi­nagawa sa United Kingdom na may 15,000 subjects, gayundin sa Estados Unidos, Mexico na may 30,000 subjects at sa Australia, South Africa at India.

Inaasahang darating sa bansa ang nasabing bakuna sa 3rd quarter ng taon.

Nilinaw pa ni Galvez na ang 30M doses ay naka-“locked in” na at maaaring madagdagan ng panibagong 10M habang ang panibagong 60M doses ay lalagdaan na ang term sheet ngayong linggo.

Idinagdag pa ng vaccine czar na kasado na ang pagbili ng 25 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese pharmaceutical firm na Sinovac at inaasahang darating ang unang batch ng deliveries sa Pebrero. Ang susunod na mga batches ay darating sa buong 2021.

Unang 50,000 doses ngayong Pebrero, 950,000 sa Marso at tig-2 o tatlong milyon sa mga susunod na buwan hanggang Disyembre upang mabuo ang 25 milyong doses.

Naglaan ang pamahalaan ng P73.2 bilyon para pambili ng bakuna para sa may 60 milyon Filipino  kung saan mangagaling umano ang bulto ng supply nito mula sa US drug maker na Novavax.

Bibili naman ang pribadong sektor ng anim na mil­yong doses ng bakuna mula sa AstraZeneca kung saan kalahati nito ay ido-donate sa pamahalaan. 

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque sa nasabing pagdinig na identified na ng gobyerno ang 4,512 fixed vaccination points sa bansa kung saan isasagawa ang pababakuna kontra COVID-19.

Tinukoy naman ng Ma­lacañang ang mga prayoridad na lugar kung saan nangunguna ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Region XI (kabilang ang Davao City) Region IV-A (Calabarzon) at Cebu City. —Danilo Garcia, Malou Escudero

 

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with