Abalos, bagong MMDA chair
MANILA, Philippines — Itinalaga si dating Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang kinumpirma kahapon ni Senador Christopher “Bong” Go. Si Abalos ang papalit kay dating MMDA chairman Danilo Lim na nasawi noong nakaraang linggo dahil sa COVID-19.
Magugunita na maging si Abalos ay tinamaan din ng virus noong nakaraang taon gayundin ang kanyang ama na si Benjamin Sr. na nanungkulan din bilang chairman ng MMDA mula 2001 hanggang 2002.
- Latest