Pres. Trump ban sa Facebook
Dahil sa riot sa US Capitol
MANILA, Philippines — Matapos ang kaguluhan sa US Capitol, inanunsiyo ni Facebook chief executive Mark Zuckerberg na ban “indefinitely” si President Donald Trump sa social media giant.
Ito ay dahil ginamit umano ni Trump ang social media para tumaas ang tension sa Silicon Valley at sa White House gayundin sa riot sa US capitol.
Sa sulat ni Zuckerberg, ang dapat sanang dalawang linggong ban kay Trump sa Facebook at Instagram ay ginawa niyang “indefinitely” hanggang mapayapang maayos ang transition sa nanalong presidente ng Amerika na si Joe Biden.
“We believe the risks of allowing the President to continue to use our service during this period are simply too great,” ani Zuckerberg. “Therefore, we are extending the block we have placed on his Facebook and Instagram accounts indefinitely and for at least the next two weeks until the peaceful transition of power is complete,“ ayon sa liham ni Zuckerberg.
Ang suspension ng Facebook ang pinaka-agresibong parusa sa lahat ng social media company na ipinataw kay Trump sa loob ng apat na taon niyang panunungkulan kung saan paulit-ulit umano itong naglalabas ng kasinungalingan, pag-atake sa kritiko at pagpapalaganap ng kaguluhan sa online.
Noong Miyerkules ng gabi ay sinuspinde rin ng Twitter si Trump sa loob ng 12 oras at ibinalik din kinabukasan.
- Latest