^

Bansa

Red Cross ititigil uli ang COVID-19 test

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Red Cross ititigil uli ang COVID-19 test
Ayon kay Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon, sa ngayon ay umaabot na sa P762.8 milyon ang utang sa PRC ng PhilHealth.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nagbabala si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Senator Richard Gordon na mapipilitan na naman silang itigil ang isinasagawang COVID-19 swab tests para sa pamahalaan kung mabibigong muli ang Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang pagkakautang nito sa kanila.

Ayon kay Gordon, sa ngayon ay umaabot na sa P762.8 milyon ang utang sa PRC ng PhilHealth.

Umaasa naman si Gordon na kaagad na magbabayad ang state health insurer ng kalahati man lamang ng utang nito sa lalong madaling panahon upang maiwasang lumobo muli ito sa hanggang P1 bilyon tulad noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag din ng PRC chief na kailangan nila ang pondo upang makabili ng kinakaila­ngang suplay at maipagpatuloy ang pagkakaloob ng COVID-19 testing at iba pang serbisyo, at ma­pasweldo ang kanilang mga empleyado.

Samantala, sa panig naman ng PhilHealth, humingi ito ng pang-una­wa sa PRC sa muling pagkakaantala ng pagbabayad ng kanilang balanse para sa COVID-19 tests.

Ayon kay PhilHealth spokesperson Rey Baleña, kinakailangan pa kasi nilang tumalima sa accounting rules and regulations ng Commission on Audit (COA).

“Humihingi kami ng pang-unawa sa Philippine Red Cross at sa publiko pagdating sa bagay na ito na bagama’t may three days deadline, pero alam niyo kailangan talaga isa-isahin namin bawat claim,” aniya pa.

Matatandaang noong Oktubre, 2020, una nang itinigil ng PRC ang kanilang COVID-19 tests na charged sa PhilHealth matapos na mabigo itong magbayad ng kanilang utang na aabot sa halos P1 bilyon.

Nang makabayad naman ang PhilHealth ng kalahati ng utang nito ay kaagad na ring ipinagpa­tuloy ng PRC ang kanilang isinasagawang pagsusuri.

vuukle comment

PRC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with