^

Bansa

NCR, 9 pang lugar, tuloy sa GCQ hanggang katapusan ng Enero 2021

James Relativo - Philstar.com
NCR, 9 pang lugar, tuloy sa GCQ hanggang katapusan ng Enero 2021
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-28 ng Disyembre, 2020
Presidential Photos/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Hindi pa rin matatapos hanggang sa unang buwan ng 2021 ang community quarantine kontra-coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, bagay na unang ibinaba ng gobyerno noong Marso ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang talumpati kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ngayong Lunes ng gabi.

"The general community quarantine (GCQ), hanggang ngayon, is [National Capital Region], Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo (City), Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City [and] Davao del Norte," saad ng presidente.

"[The most lenient] modified general community quarantine (MGCQ) [is declared] for the rest of the country."

Basahin: What is modified, enhanced, general quarantine? Here's how to tell the difference

Ipatutupad ang nasabing mga restriction sa paglabas-labas, ekonomiya at aktibidad sa buong Pilipinas simula ika-1 hanggang ika-31 ng Enero para sa taong 2021.

Sa kabila nito, maaari pa naman daw magbago ang mga naturang paghihigpit sa bansa depende sa apela ng mga lokal na pamahalaan bilang tugon sa COVID-19 situation.

Matatandaang unang ibinaba ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) para sa Metro Manila noong Marso 2020, bagay na naglagay sa punong rehiyon sa lockdown na gumapang hanggang sa iba pang bahagi ng bansa.

May kaugnayan: Metro Manila isinailalim sa 'community quarantine' ni Duterte

Agosto naman nang tuluyang luwagan sa GCQ ang Kamaynilaan, bagay na kumakatawan sa halos 1/3 ng gross domestic product ng Pilipinas.

Kanina lang nang sabihin ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 470,650 ang tinatamaa ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, pumalo na sa 89,124 ang binabawian ng buhay.

Nangyayari ito ilang araw matapos magbaba ng travel ban ang Pilipinas sa bansang United Kingdom (UK) magmula pa noong ika-24 ng Enero dahil na rin sa panibagong stran ng COVID-19, na sinasabing mas nakahahawa kaysa sa karaniwan.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

LOCKDOWN

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with