^

Bansa

CPP-NPA idineklara nang terorista

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
CPP-NPA idineklara nang terorista
Kasunod ito ng Resolution No. 1 ng Anti-Terrorism Council na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang chairperson ng ATC; National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., vice chair ng ATC at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Chief Alex Monteagudo.
The STAR/Edd Gumban, file

Kahanay na ng ISIS, Maute at Dawla Islamiya

MANILA, Philippines — Idineklara nang tero­rista ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kahanay ng iba pang terrorist groups gaya ng Islamic State East Asia, Maute Group at Dawla Islamiya.

Kasunod ito ng Resolution No. 1 ng Anti-Terrorism Council na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea bilang chairperson ng ATC; National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., vice chair ng ATC at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Chief Alex Monteagudo.

Ang deklarasyon ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-52 founding anniversary ng NPA.

Ayon sa ATC, matagal na panahon ang naging pagpapanggap ng NPA upang makatanggap ito ng suporta mula sa international Non-Government Organizations (NGOs) at makalikom ng pondo upang maisagawa ang paghahasik nila ng rebelyon.

Nananakot din anya sila para makapangikil ng salapi lalo na kapag panahon ng kampanya, nakasaad pa sa resolusyon.

Sinabi ng ATC na sa katunayan, mula 2016 hanggang 2019, ang CPP/NPA ay nakapangikil ng aabot sa P5.5 billion na halaga ng ‘revolutionary taxes.’

Ngayong itinuturing na silang terorista, sakop na ng kapangyarihan ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang kanilang pondo at ari-arian.

Maaari na rin itong ma­imbestigahan at maisailalim sa freeze order salig sa Section 11 ng RA 10168. 

Ang designation sa NPA bilang terorista ay batay sa Section 25 paragraph 3 ng RA 11479 o ang Anti–Terrorism Act of 2020.

Ayon sa ATC, may sapat na batayan na ang CPP/NPA ay may mga nagawa na maaaring maparusahan sa ilalim Section 4 ng Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA).

“The ATC also found probable cause to designate the CPP/NPA as a terrorist group for its violent and armed activities that resulted in the destruction of properties, loss of lives, and damage to business and economy as cited in the pending proscription case and other collated reports from the security and intelligence sector,” ayon pa sa ATC.

Ang NPA ay una nang naideklarang terorista ng US, Australia, Canada, at New Zealand.

Binuo ang ATC para ipatupad ang ATA at ma­ging responsable sa epek­tibong pagpapatupad ng polisiya ng bansa laban sa terorismo.

 

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with