^

Bansa

Lagpas 90% ng LGUs 'isinusuka' raw ang CPP-NPA-NDF, sabi ng DILG

James Relativo - Philstar.com
Lagpas 90% ng LGUs 'isinusuka' raw ang CPP-NPA-NDF, sabi ng DILG
Sa undated photo na ito, makikita ang isang "lightning rally" ng mga miyembro at supporter ng CPP-NPA-NDFP
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Isang araw matapos ang International Human Rights Day, ipinagmalaki ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi raw "welcome" ang rebolusyonaryong kilusan ng mga komunista sa karamihan ng local governments units (LGUs) sa Pilipinas.

Ito'y matapos ideklara bilang "persona non grata" ng 1,546 sa 1,715 lokal na pamahalaan ang Communist Party of the Philippines (CPP), New People's Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa pamamagitan ng resolusyon.

Ang deklarasyon ng "persona non grata" ay kadalasang ginagamit sa mga usaping pan-diplomasya upang mapaalis ang isang foreign national.

Ang nalalabing 169 LGUs ay kasalukuyan naman daw nasa iba't ibang yugto ng deliberasyon sa kani-kanilang mga konsehong panlalawigan, panlungsod at pambayan kaugnay ng parehong manipestasyon.

"Maliwanag pa sa sikat ng araw na isinusuka na ng sambayanan ang CPP-NPA-NDF at ang mga front organizations nito. Nagpapasalamat kami sa mga LGUs na nagsasarado ng kanilang pintuan sa mga CTGs at ipinapakita ang kanilang mariing pagtutol sa mga Komunistang Teroristang Grupo," ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

"Sa ilalim ng NTF-ELCAC na pinamumunuan mismo ng pangulo, nakapag-organisa kami ng inter-agency local ELCAC task forces na may 17 Regional Task Forces, 81 Provincial Task Forces, 1,405 City/Municipal Task Forces, at 26,044 Barangay Task Forces."

Basahin: Bayan: Why is the burden on us to prove we're not a rebel front?

May kaugnayan: Anti-communist task force gathering evidence to formally tag CPP, ‘allies’ as terrorists

Mahalaga raw para sa DILG ang suporta ng mng mga LGUs, lalo na't hindi na lang basta military-centric ang gobyerno pagdating sa insurhensya kundi gumagamit na ng whole-of-society approach para maabot ang "kapayapaan sa kanayunan."

Napapanahon daw ang suportang ito lalo na't marami raw ang posibleng maengganyo ng CPP-NPA-NDF na sumapi sa kanila bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) crisis.

Paulit-ulit na tinatawag ng gobyerno na "terorista" ang CPP-NPA-NDFP kahit na ligal sa batas ang partido ng mga Maoista sa ilalim ng Republic Act 7636.

Kailangan pa rin ng proscription ng korte bago sabihing terorista ang isang grupo, ngunit ang meron lang sa ngayon ay ang Presidential Proclamation 374.

Hindi kasama ang NDFP sa mga tinukoy ng executive branch bilang "terorista" sa Proclamation 374 na ipinasa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2017.

Hindi rin itinuturing ng United Nations ang NPA bilang teroristang grupo kung pagbabatayan ang kanilang listahan.

'100% pagdeklara ng persona non grata' sa 6 na rehiyon

Dagdag pa ng kagawaran, anim na rehiyon na ang nagpapaabot ng kanilang buong-buong pagdedeklara ng persona non grata laban sa CPP-NPA-NDF.

Kasama raw sa mga lugar na nagpaabot ng 100% pagdedeklara ng persona non grata ang:

  • Central Luzon
  • Central Visayas
  • Zamboanga Peninsula
  • MIMAROPA
  • Cordillera Administrative Region

Sa 16 lungsod at isang munisipalidad ng National Capital Region (NCR), sinasabing siyam na lungsod na ang nakapagpasa ng resolusyon na kinukundena ang "kalupitan" ng mga nasabing grupo. Ito ay ang:

  • Caloocan
  • Las Piñas
  • Mandaluyong
  • Muntinlupa
  • Navotas
  • Pasig
  • San Juan
  • Valenzuela

NDFP spokesperson pinarangalan matapos patayin

Samantala, kahapon lang nang bigyang pugay ng CPP si NDFP-Mindanao spokesperson Ka Joaquin Jacinto (Alvin Luque) matapos mapatay ng kasundaluhan sa isang resort sa Surigao del Sur.

"The CPP and all revolutionary forces are outraged over the extrajudicial killing of Ka Joaquin. We demand: Justice for Ka Joaquin!" ayon sa isang pahayag ng CPP.

"His assassination was carried out by the military troops at 1 a.m. We dispute the claims of the military that Ka Joaquin and his companion fought against the military troops while he was being served a warrant of arrest."

Nakiramay naman ang Marxistang grupo sa mga naulila ni Luque, na nakilala noon sa pangunguna sa kilos protesta laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Siya'y 51-anyos lang.

"The CPP and all revolutionary forces pay the highest tribute to Ka Joaquin. Together, let us raise our fists and celebrate his innumerable contributions in serving the oppressed and exploited Filipino masses and their revolutionary cause," kanilang panapos.

vuukle comment

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES

NEW PEOPLE'S ARMY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with