^

Bansa

P4.5 trilyon national budget aprub na sa bicam

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aprubado na ng bicameral conference committee ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang P4.5 trillion 2021 national budget.

Ayon sa tanggapan ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance na naging mabilis ang pag-apruba sa Bicam kung saan alas-10 ng umaga nang mag-convene at natapos ng alas 10:14 ng umaga.

Aabot sa P82.5 bilyon ang budget ng gobyerno sa pambili ng bakuna laban sa COVID-19 at mga kaugnay na gastusin tulad ng distribusyon, storage at transportasyon ng bakuna.

Kapag naisabatas ang latag ng pambansang budget na inaprubahan at kapag napalawig din ang Bayanihan to Recover as One  Act o Bayanihan 2, sa nasabing halaga ang P72.5 bilyon ay ipapaloob sa 2021 national budget.

Sa nasabi ring halaga ang P2.5 bilyon ay programmed o garantisado nang may pondo at ila-lagak sa Department of Health (DOH) habang ang P70 bilyon ay unprogrammed o depende pa sa availability ng pondo.

Paliwanag pa ni Anga­ra, ginarantiyahan naman ng Malakanyang na mapopondohan ang sinasabing unprogrammed appropriations at maaari namang kunin ang pondo sa utang o sa pagbebenta ng assets ng pamahalaan.

Samantala, ang bukod na P8 bilyon ay mula sa budget sa pambili ng bakuna base sa Bayanihan 2 na mag-e-expire sa Dis-yembre 19 at papalawigin pa ng kongreso hanggang sa Marso o Hunyo 2021.

Kasama rin sa inapru­bahan ang P23 bil­yon para sa pagtugon ng mga kalamidad at mga nasa­lanta ng mga bagyo. — Joy Cantos

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with