^

Bansa

BayaNihao umayuda sa mga biktima ng bagyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May 1,200 pamilya sa Rodriguez, Rizal na biktima ng bagyong Ulysses ang tumanggap kamakailan ng mga tulong mula sa BayaNihao Relief Team na inorganisa ng isang grupo ng mga Filipino at Chinese friends.

Nakipag-ugnayan ang mga Filipino-Chinese donors, friends at volunteers sa Philippine Air Force Reserve Force at mga opisyal ng pamahalaang lokal para mamahagi ng dalawang trak ng mga tubig, food pack, face mask at alcohol sa mga sinalanta ng bagyo.

Bahagi ito ng mga do­nasyong kinolekta ng BayaNiHao mula sa iba’t ibang Filipino at Chinese group at bahagi pa ng isinasagawa nilang relief operations sa Marikina, Rizal, Batangas, Quezon, Bicol at Cagayan na hinagupit ni Ulysses.

Kabilang sa mga nagbigay ng donasyong uma­bot sa kabuuang P1.5 milyon ang Association of Filipino Chinese entrepreneurs, China companies tulad ng China Harbor and Fiberhome, at education groups tulad ng IDSI Center at Philippine Studies Center of Jinan University.

Nauna nang nagsisikap ang ibang mga Chinese-Fi­lipino group sa buong bansa na makatulong sa mga nangangailangan tulad ng pagkakaloob ng bilyong halaga ng mga medical supply, face mask at test kit sa panahon ng pandemya at patuloy na lumalaki ang ayuda ng Filipino-Chinese community na isang testament ng marami nang siglo ng mapagkaibigan at produktibong relasyon ng Pilipinas at China.

vuukle comment

ULYSSES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with