Health workers sa bansa sapat
MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na sapat ang health workers sa bansa na tutugon sa COVID-19 pandemic kahit inalis na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa mga nurses.
Nauna rito, hiniling ng Department of Labor and Employment at Inter-Agency Task Force (IATF) on Emer-ging Infectious Diseases ang pagtanggal sa ban ng mga health workers.
Sinabi pa ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakipag-ugnayan muna ang Pangulo kay Health Sec. Francisco Duque bago ilabas ang desisyon.
Tiniyak naman anya ng DOH na sapat ang mga health professionals sa bansa.
Sinabi pa ni Roque na ikinonsidera rin ng Pangulo na panahon na upang magkaroon ng pagkakataon ang mga health workers na mapabuti ang kanilang buhay.
Limitado rin aniya sa 5,000 ang maaaring lumabas na magsisimula sa Enero.
- Latest