^

Bansa

Free dialysis sa senior citizens isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ang libreng dialysis para sa mga katulad niyang senior citizens sa bansa.

Si Ordanes ay nag-hain ng House Bill (HB) 7859 para magkaroon ng buong reimbursement sa mga ospital ang dialysis, laboratory procedures at supplies kada dialysis session ng mga senior citizen.

Bago ipinatigil ng Phil­Health ang dialysis program nito ay nasa 90 session ang binabayaran ng ahensya pero sa bersyon ni Ordanes ay nais nitong ibalik ang dialysis at gawin itong 144 session sa bawat matatandang pasyente.

Alinsunod sa panukala ni Ordanes, obligado ang PhilHealth na agad na i-reimburse ang lahat ng mga resibo sa mga biniling gamot, ginamit sa laboratory at supplies sa loob ng 30 araw sa oras na gamitin na ito ng mga senior citizens na kuwa­lipikadong miyembro ng state health insurer.

Ang mga seniors ba­gaman tumatanggap ng pensiyon ay sapat lamang ito para mabuhay sila at hindi nila kayang gumasta sa dialysis treatments.

vuukle comment

SENIOR CITIZENS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with