^

Bansa

Bayanihan 2 funds ‘wag i-delay, ipamahagi na - Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan, partikular sa Department of Budget and Management na i-release na ang pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, mas kilala bilang Bayanihan 2, para magamit sa pangangaila-ngan ng taumbayan.

Sinabi ng senador na minadali ng legislative branch ang pagpapasa ng nasabing batas para matulungan ang mga Filipino na nangangailangan, maibangon ang ekonomiya at mapalakas ang laban ng bansa sa COVID-19.

“Minadali ng Senado na maipasa ito…kaya walang dahilan para maipit ang pondo,” ani Go sa pana­yam sa kanya matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa mga  jeepney operators at dri-vers sa Pasay City.

Ani Go, nag-usap na sila ni Budget Secretary Wendel Avisado hinggil sa agad na paglalabas ng pondo at mga alokasyon para magamit sa mga totoong layunin nito.

Aniya, nangako naman si Sec. Avisado na aaksyunan ng DBM at ng mga implementing agencies ang kanyang hiling na maila-bas ang pondo sa mga dapat nitong paggamitan.

Ayon kay Sec. Avisado, may marching orders na siya sa DBM na tugunan ang lahat ng budget requests kung kumpleto naman ang isinusumiteng dokumento o requirements ng mga ahensiya.

“Wala pong rason na hindi po mai-release ang funds para magamit kaagad ang Bayanihan 2.  Halos wala kaming tulugan para maipasa namin sa Senado ito, i-release na po, nandyan na po ang autho-rity,” ani naman ni Go.

Ang Bayanihan 2 measure ay ang COVID-19 recovery fund na nagkakahalaga ng P165.5 billion.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with