^

Bansa

Pag-ayuda ni Bong Go tuluy-tuloy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Totoo sa kanyang pangako, inayudahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga residente ng Lucena City na naapektuhan ng flashflood dahil sa pag-apaw ng Iyam at Dumacaa Rivers dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan sa Quezon province.

Noong Oktubre, 15, umaabot sa 1,000 residente ang agad dinaluhan ng grupo ng senador at kinabukasan ay karagdagang 1,000 flashflood victims pa ang binigyan ng iba’t ibang tulong.

Sinunod sa pamamahagi ng ayuda ang ipinatutupad na safety at health protocols para matiyak na walang mahahawahan ng virus.

Namahagi rin si Sen. Go ng mga bisikleta para magamit ng mga benepisyaryo sa kanilang pagparoo’t parito sa pupuntahan o sa trabaho dahil na rin sa kakulangan pa rin ng masasakyan. 

Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng tablets para sa mga mag-aaral na magagamit sa blended learning na ipinatutupad ng mga eskuwelahan.

Samantala, dalawang barangay naman sa Mandaue City, Cebu na biktima ng sunog noong Oktubre 9 ang pinadalhan ng ayuda ni Sen. Go.

Namahagi ang grupo ng senador ng mga gamot, financial assistance, food packs, masks at face shields sa 73 pamilya na binubuo ng 283 indibidwal mula sa Barangays Paknaan at Labogon.

Tinataya namang 980 public market vendors ang masaya ring nakatanggap ng tulong mula sa senador sa One Arena Cainta sa Cainta, Rizal.

Pinayuhan niya ang mga market vendors na kung kinakailangan ay magtungo at lumapit sa bagong bukas na ika-87 Malasakit Center sa Bagong Cainta Municipal Hospital kapag nangangailangan ng financial at medical assistance.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with